Archive for March, 2007

Ang Kwento Ng Payaso Tungkol Sa Damit at Sirang Butones

Saturday, March 24th, 2007

    "Nagtatahi ako ng sirang butones ng costume ko ng bigla akong matusok ng maliit na karayom.  Sumigaw ako ng "aray" at hinawakan ang daliri na natusok ng karayom at mayamaya pa ay dumugo na ito.  Pinunasan ko ng tissue ang dugo pero tuloy pa rin ito sa paglabas sa sugat.  Kaya ginawa ko pinisil ko na lang at yun mayamaya pa ay tumigil na ang pagdurugo."

    Aminin man natin sa hindi, we want our lives to be perfect.  Para itong isang magandang damit.  Magandang damit ang lagi nating sinusuot to show how perfect our lives are. Masaya tayo na ipakita ito sa mga tao at sabihing, "bago yan!".  Pero minsan hindi mo maiwasan ang masira ang damit.  Natangal ang butones, nabutas, at minsan, namamatsahan.  Sira ang perfect life na gusto natin.  Minsan itinatago na lang ang damit na nasira kasi nahihiya tayo pero minsan inaayos.  Kaya naman todo kung magrepair tayo.  But as we try to fix things in our lives, hindi mo miwasan ang masaktan.  Matusok ng karayom habang nagtatahi o di kayay masugatan ang kamay kakakusot sa damit. 

     Now the question is, how do you deal with those changes in your life?  Maiinis ka ba pagnawala ang isang butones sa buhay mo?  Tatawanan mo ba ang butas sa kilikili ng damit?  Aawayin mo ba ang taong nakatapon sa damit mo ng pintura (hindi mo pa favorite color ang tinapon…hehehe!) na naging mitsa upang hindi na magamit ang damit?  Oh, ngingiti ka lang at sasabihing, "ok lang!"? Ano ang gagawin mo kung nawalan ka ng butones?  Napunitan ng damit?  Pagnagkaroon ng mantsa ang dating perpekto mong buhay?

     Ako kasi, bilang isang payaso, hindi maiwasan ang lapitin ng mga makukulit na bata.  At sa sobrang kulit, hindi din maiwasang mapunit ang costume na suot ko.  Tagpe-tagpi na nga mapupunit pa ulit? hehehe!  Kaya pag-uwi ko na bahay, hindi ako umuupo para manood ng tv.  Bukod sa remote ang hawak, karayom at sinulid ang hawak.  Sira nanaman ang butones ng costume ko.  Nagtatahi ako ng sirang butones ng costume ko ng bigla akong matusok ng maliit na karayom.  Sumigaw ako ng "aray" at hinawakan ang daliri na natusok ng karayom at mayamaya pa ay dumugo na ito.  Pinunasan ko ng tissue ang dugo pero tuloy pa rin ito sa paglabas sa sugat.  Kaya ginawa ko pinisil ko na lang at yun mayamaya pa ay tumigil na ang pagdurugo.  Pero ang sakit, hindi nawala.  Pero hindi ko pa tapos ayusin ang butones kaya tinuloy ko ang pagtatahi.  Pero this time, maingat na ko para hindi matusok ulit ng karayom.

     Minsan talaga its the small changes in our lives that hurts us the most.  Minsan akala nating simple lang ang sulusyon mahirap pala.  Parang pagtatahi, mukhang madali pero, pag hindi ka sanay, matutusok at matutusok ka ng karayom.  Minsan dudugo ang sugat at minsan hindi.  At pag dumugo, kailangan nakahanda lagi ang tissue para punasan at patigilin ang dugo.  At malamanglamang, hindi basta mawawala ang sakit na dulot ng sugat.  Ang ilan, itutuloy ang pag-ayos sa buhay nila.  Pero ang ilan, dahil sa sakit at sa takot na masaktan ulit, papabayaan na lang ang sirang damit oh di kaya’y ipapaayos sa iba.  Mahirap talaga pag nasisiraan ng damit.  Araw-araw mo ba namang gamit eh.  Hindi rin naman pwedeng walang suot na damit.  Kaya dapat hindi ka lang dapat marunong magsuot ng damit, marunong ka din dapat magtahi para sa mga punit na mararanasan sa buhay.  Maglaba para matangal ang mantsa.  At syempre first aid.  Para sa mga sugat na dulot ng paga-aayos ng damit.  Mahirap siya sa umpisa, kasi parang hindi mo alam ang gagawin.  Pero habang tumatagal, natututo tayo.  Kung dati lagi kang natutusok ng karayom, ngayon minsan na lang.  Alam na kasi nating masakit pagnatusok ka ng karayom.  Kaya payo ko sa inyo, dont aspire for a perfect life.  I-enjoy mo ang damit na suot mo.  Hayaan mo lang siyang mapunit o mamantsahan.  Marunong ka namang maglaba at magtahi.  Ang importante, inalagaan mo ang damit mo.  Masaya ka kahit hindi na siya bago.  At wag mo siyang huhubarin.  Hanggang sa dumating ang araw na hindi mo na siya maisuot.  Hindi na kasi siya kasya..hehehehe!