Bakit Bakit Paano Ka Ginawa?
Wednesday, January 31st, 2007"Bakit" Iyan ang madalas na tanong ng mga tao. At ito rin ang tanong na tila ba ang sagot ay minsan walang katiyakan o di kaya ay hindi katanggap-tanggap o kapanipaniwala. Ito rin ang tanong na pinaka makulit sa lahat na pamilya ng tanong. Kaya naman lagi na lang siyang natatanong, "Bakit, Bakit, paano ka ginawa?" Bago ko ikwento ang pinagmulan ni BAKIT. Alamin muna natin kung sinu-sino ba ang mahilig magtanong ng bakit?
- Ang mga bata, bata magisip, at bata pa daw na bidabidahan ang numero unong nagtatanong nito. Example: "Nay nay bakit may araw?"
- Ang mga taong nalaglag ata ng doctor, nurse, midwife, hilot, oh kung sino man ang nagpaanak sa kanyang kawawang nanay dahil kalahati lang ng utak nila ang gumagana. Example: "Pare bakit kaya?"
- Ang mga taong nagkukunwaring tanga pero sa totoong buhay ay hindi naman. Example: "Hon, bakit mo love?"
- Ang mga taong fixated ata ang ikaapat na klase ng tong ngatatanong ng bakit. Ito ang mga taong walang alam itanong kundi bakit. Example: "Bakit?"…"Eh bakit nga?"…"Bakit nga ehh?"
So paano nga ba nabuo ang tanong na bakit.
Noong unang panahon, ang tanging tanong lang na nabubuhay ay si ANO, KAILAN, SINO, at SAAN. Matiwasay silang nabubuhay sa Bayan Matanong ng isang araw ay nagkasawaan na sila sa isat-isa. Hindi nalaman ang dahilan sa likod ng kanilang pagsasawaan. Pwedeng sa amoy, itsura, oh di kayay, ugali ng bawat isa pero yun ay pawang mga chismaks lamang at wla pang cenelyn na nagkokorek ng chuvanels na ititch. Kaya naman naisipan ng tagapaglikha na magkaroon ng konting life sa Bayan Matanong. Kaya gumawa siya ng bagong tanong. At hulaan niyo kung sino. Walang iba kung hindi si BAKIT. Noong iniluwa si BAKIT ng lupa, si ANO, KAILAN, SINO at SAAN ay hindi mapigilan ang magtaka. Kaya sambit ni ANO, "Ano yan?" Tanong naman ni KAILAN, "Kailan pa siya napunta diyan?" Habang si SINO, "Sino siya?" At si SAAN, " Saan siya nagmula?" May malaking boses na para bang nagsasalita sa isang nakarolyong cartolina ang bigla na lang nagsalita. "Yan si BAKIT. Ang bago niyong kaibigan diyan sa Bayan Matanong." Napangiti ang mga ito dahil may bago na silang makakausap. Hindi nila alam ang sakit sa ulo na idudulot ng tanong na si BAKIT.
May kakayahan si BAKIT na tanongin ang mga tanong na kayang gawin ng apat. Kaya nga naman lahat sila ay hindi nahihirapang kausapin si BAKIT. Ngunit isang araw, napaisip si BAKIT kung saan siya nanggaling. Una niyang tinanong si ANO. Sabi ni Bakit, "ANO, ano ba ako?" Sumagot si ANO, "Ikaw ay isang tanong BAKIT." at muling nagtanong si BAKIT, "Bakit ako isang tanong?" Matagal na nagisip si ANO ngunit hindi niya masagot ang tanong ni BAKIT. Hanggang si ANO ay dumugo ang ilong. Umalis si BAKIT ng hindi nasasagot ang tanong niya. Sunod na tinanog ni BAKIT ay si KAILAN, "KAILAN, kailan ako naging isang tanong?" Sumagot si KAILAN, "Noong araw na bumuka ang lupa." Muling nagtanong si BAKIT, "Bakit bumuka ang lupa?" Natigilan si KAILAN at nagisip ng kanyang isasagot haggang sa pumutok ang kanyang ear drum sa kakaisip ng sagot. Muling umalis si BAKIT ng hindi nasasagot ang tanong niya. Habang naglalakad, nakasalubong si SINO. Tinanong ni BAKIT si SINO, "SINO, sino ang nagluwa sa akin sa lupa?" Sinagot naman ni SINO ang tanong ni BAKIT, "Si tagapaglikha ang nagluwa sayo sa lupa BAKIT." Hindi naman maiwasan ni BAKIT na hindi magtanong, "Bakit ako niluwa ni tagapaglikha sa lupa?" Nanlaki ang mga mata ni SINO at nagisip ng isasagot kay BAKIT. Ngunit bigo din si SINO tulad ng mga nauna sa kanya. Inatake ng hypertension si SINO sa sobrang pressure sa tanong ni BAKIT. Mangiyakngiyak na umuwi si BAKIT sa kanyang tahanan. HAbang lumuluha sa labas ng bahiay niya si BAKIT ay tyempong napadaan si SAAN. Napansin nio SAAN na parang malungkot at umiiyak si BAKIT. Nilapitan niya ito ngunit bago pa siya makapagtanong ay biglang nagsalita si BAKIT, "SAAN, saan ba nakatira si tagapaglikha?" Sumagot si SAAN, "Eh di sa may taas." Habang nakaturo si SAAN sa langit. BIglang sinira ni BAKIT ang pag-eemote ni SAAN at sabay hirit ng, "Bakit nasa taas si tagapaglikha?" Nagsalubong ang kilay ni SAAN sa kanyang narinig at kumaripas ng takbo. Naiwan nanamang magisa si BAKIT. At dahil sa walang makasagot ng tanong ni BAKIT, naging isolated na si BAKIT. Madalang na lang siyang pinupuntahan ng dating mga kaibigan. Naawa si tagapaglikha kay BAKIT at binigyan siya ng makakasama. At doon nabuhay si KASI. Nging masaya na ulit si BAKIT at pansamantalang nakalimutan ang mga katanungang dating nagpalugmok kay BAKIT. Hindi nagtagal nagkaroon sila ng anak. Kambal ang kanilang anak at pinangalanan nila itong EWAN KO at si MALAY KO. Masaya silang nabuhay. Ngunit jhindi lubos ang kanilang kaligayahan dahil iniiwasan na ang kanilang pamilya dahil sa sobrang hirap nilang kausapin. Maliban na lamang kung nakapagaral sila sapaaralang itinayo ni KASI. Itinuturo sa paaralan kung paano kakausapin sina BAKIT, EWAN KO, at MALAY KO. Pero hindi pa rin bumalik ang ma dating kaibigan. Lagi na silang iniiwasan ng mga tao pwera na lang kung nakapagaral ang kanilang makakasalubong.