Halos Dalawang Linggo

     Halos magdadalawang linggo na pero para sa akin parang kailan lang.  Halos magdadalawang linggo na pero malinaw pa din.  Halos dalawang linggo na pero napapatawa pa din pag aking iniisip.  Halos dalawang linggo na at wala pa ring pagbabago.  Halos dalawang linggo na nung sagutin mo ako pero para sa akin kahapon lang ito nangyari.  Halos dalawang linggo na nung mangyari ang lahat pero natatandaaan ko pa ang mga ditalye nung sabihin mong akoy mahal mo rin.  Halos dalawang linggo na pero natatawa pa rin ako kapag naiisip ko ang kwento ng pag-iibig natin.  Halos dalawang linggo na pero ang pagmamahal ko sayo ay mas lalo pang tumitindi.  Kaya naman akoy nagpapasalamat una sa Diyos, dahil inilagay ka niya sa aking daanan; at pangalawa sayo, sa pagtitiwala at pagmamahal na iyong binibigay at syempre sa pagtawid mo sa kabilang ibayo(you know what i mean).  Umasa ka na hindi kita bibiguin.  Ibibigay ko sayo ang lahat na nararapat sayo. 

     Ikaw ang buhay ko kaya naman wala akong pwedeng gawing pagkakamali dahil ayaw kong mawala ka.  Ikamamatay ko kapag nawala ka.  Nais kong magtagal pa ang ating pagsasama kaya naman ay lagi kong pinagdarasal sa Poong Maykapal na gabayan Niya tayo sa ating relasyon.  Mahal kita Maria Danica Y. Canalita ng buong puso at kaluluwa.  at katulad ng nasabi ko na sayo…walang ano mang bagay sa mudo ang makakapagpabago nunI LOVE YOU SO MUCH!  At sana magtagal pa tayo hindi lang ng halos dalawang linggo…

      

3 Responses to “Halos Dalawang Linggo”

  1. 'maria danica' Says:

    “Posible”

    Parang kailan lang nang maihiwalay ko ang totoo sa aking nararamdaman, nalaman ko na minamahal ka na pala ng aking pusong pinakaiingatan. Sa iilang salita na aking binitawan, maaari pala na sa isang iglap ulap na ang ating nilalakaran. At pakiwari ko’y wala itong hangganan dahil ngayon, walang pagbabago sa aking kinatatayuan. At posible na sa higpit ng mga yakap mo, nababalewala lahat ng takot ko. Habang dumaraan ang mga araw, posible pala na mas umusbong pa ang ating pagmamahalan. Saan man tayo patungo, saan man dalhin…tiwala at pagmamahal ang ating babaunin habang tinatahak ang istorya ng pag-ibig natin. Naniniwala ako na posible ang lahat sa piling mo, hindi lang basta halos dalawang linggo. Posible pang magtagal at ito ang dalangin ko sa Maykapal.

    ^^,

  2. 'maria danica' Says:

    hehe…^^,

  3. 'aiRaH' Says:

    “sunod sa galaw”

    pasintabi lamang po sa inyong dalawa, at ako’y magkokomento sa blog na ginawa

    emman na aming payaso, tuparin mo iyong pangako.. dhil pag si nica canalita ay umiyak patiwarik kitang ipapako

    bukod doon, nais ko lamang iparating sanyong mag-irog na ako’y labis na nagagalak at sa wakas ay nalinaw ng tiyak, mga damdaming tinatago-tago ng bawat isa senyo ngayo’y malugod ng maipanga2landak..

    ***waahh…tama ba?! nakakacra ako sa usapan nyo eh noh?! haha!! MErry christmas!! pra siu BLogger at ang tagagawa n din ng Blog sa blog mo? get’s mo ba? haha!!!***

Leave a Reply