Hay ang sarap talaga magmahal.
Kahit na isang hamak na payaso lamang ako ay alam ko kung paano magmahal.
Isang babae ang aking natitipuhan. Nakilala ko siya sa isang maliit na handaan na aking dinaluhan. Maganda, kaakit-akit, at palangiti ang binibining ito. Madalas nga niya akong nahuhuli na tumitingin sa kanya nung handaan pero agad ko namang iniiwas ang aking mga mata. Ngunit hindi rin ako nakatiis at nilapitan ko ang binibini. Tinanong ko ang kanyang pangalan at hiningi ang kanyang cell number upang kamiy maging mag-textmate. At doon nagsimula ang aming pagkakaibigan. Madalas kaming magksama at nagtatawanan. Syempre umiiral sa akin ang katauhan kong payaso. Tuwangtuwa ang lolo mo pagnakikita ko siyang tumatawa. Para bang naaalis ang pagod at sakit ng aking katawan sa bawat ngiting kanyang binibitawan. At sa di inaasahang pagkakataon nangyari ang hindi inaasahan. Onti-unti ay nahuhulog ang loob ko sa dalaga. Pilit mang iwasan ngunit bawat araw na kasama ko siya ay lalo lang pinatitindi ang aking nararamdaman. Pag kasama ko siya ay sadyang bumibilis ang tibok ng aking puso. At ang aking dibdib ay sasabog na para bang gustong kumawala sa aking puso ang isang matinding damdamin. Nais isigaw na "Binibini, ikaw ay aking minamahal!" Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana. Meron siyang paraan upang sekreto ko ay mailbas. At dahil sa isang pangyayaring minanipula ng tadhana ay nalaman ng binibini ang aking tinatagong pakiramdam. Isang damdamin na puno ng emosyon. Isang damdamin kung tawgin ay PAG-IBIG.
Ngunit pag-ibig ay sadyang mailap. Pagkat ang binibining akong iniibig ay may dinaramdam. Isang karamdamang panahon lamang ang makakahilom at pag-unawa ang kanyang katulong. Paano na ang pag-ibig ko sa kanyay alay? Hahayaan na lang bang ito sa isang tabi? Oh aking ipaglalaban haggang sa hui? Hindi ko alam kung gaano kalala ang dinaramdm mo binibini. Ngunit handa akong gawin ang lahat upang ikaw ay gumaling. Gagawin lahat basta kakayanin. Upang iyong karamdaman at nadaramang takot ay supilin. Sana nga lang ay bigyan ng pagkakataon. Ang isang hamak na payaso ay tumulong. Pawiin lahat ang iyong sakit na nadarama binibini. At iyong maramdaman aking PAG-IBIG!