Ang Kwento ng Payaso Tungkol sa FAITH
"Do you believe in GOD?"
"Why?"
Madalas ba itong natatanong sayo? O di kaya ay lagi mo itong tinatanong? Ano ang iyong sinasagot? O ikaw ba yung tipo na tumatahimik lang sa sulok at inaatupag ang kung ano man ang iyong nais gawin at hindi alam ang isasagot?
Madami na akong natanong ng tanong ns ito at ang madalas na nakukuha kong sagot ay FAITH.
Ano ba ang ibig sabihin ng FAITH? Sa dictionary eto ay isang noun which means trust, confidence. Isa pang meaning nito ay complete acceptance of truth which cannot be demonstrated or proved by the process of logical thought, RELIGOUS FAITH. Eh kung kayo ang tatanungin, what is FAITH for you? Pareho ba ng nasa dictionary?
Para sakin kasi FAITH is to trust something that is uncertain or without a clear explanation. For example LIFE. It is uncertain, its not clear, but still you have trust na gigising ka pa kinabukasan pagtulog mo. Its FAITH. Its having FAITH in LIFE. Wala namang tao na sasabihin, "Ahh bukas hindi na ako magigising!" di ba? Eh paano naman kay GOD? Is FAITH enough to expalain why we believe in HIM? Does FAITH answer the question "Does GOD exist?"
Sa totoo lang, mahihirapan ka kung FAITH lang ang gagamitin mo. Especially if people want concrete evidence about HIS existance and why we belive in HIM. Bakit? Kasi FAITH is the belief to the uncertain nga eh. So how can you explain something uncertain? What evidence can you give?
Paglilinaw lang po. Hindi sa hindi ako naniniwala sa DIYOS kaya ko ito tinatanong. I have full FAITH in HIM. Tinatanong ko lang to know how deep is your FAITH. To be honest, ilang beses ko rin to pinagisipan bago ako nagkaroon ng FAITH kay GOD. Kahit pa sabihn mong binyagang Katoliko ako.
So bakit ako may FAITH sa KANYA? Ano ang kinahinatnan ng aking pag-iisip? Why do I believe in the uncertain? Kasi, kung hindi ako maniniwala habang buhay ako magtatanong at mag-iisip. At kahit kailan hindi ako makukuntento kasi pro ako tanong. Hindi naman masama ang magtanong pero we have to face the fact that there are uncertain things in this world and only having FAITH in these things that we can be content. Magkakaroon tayo ng paliwanag sa hindi maipaliwanag kahit hindi ito ang exact explanation kung bakit. Kung lagi mo na lang kasing tatanungin kung mabubuhay ka pa bukas, eh mauubos na ang oras mo hindi mo pa rin alam ang sagot. Gawin mo matulog ka na lang and have FAITH that tomorrow eh magigising ka. Just like having FAITH in GOD, mahirap kung lagi mo na lang itatanong na may DIYOS ba talaga. Gawin mo live your life, put your FAITH in HIM, and maybe someday paggising mo SIYA pa mismo ang magpakita sayo.
Walang mawawala kung maniniwala ka. Hindi ka naman magugutom, mamamatay, manghihina pag naniwala ka. Same thing din pag hindi ka naniwala, just dont question HIS existance. Kasi its ether sa pula o sa puti ka. Wag mo nang itanong kung bakit puti o bakit pula. kung naguguluhan ka, have FAITH. Yun lang ang makakatulong sayo. But still if FAITH is not enough just look around. Iba’t-ibang religioun na ang nag-eexist believing in a GOD. Marami na din silang mga believers. Hindi pa ba sapat na evidence ang mga taong ito na baka, probably GOD exist? Logically speaking, If there is movement, there must be a first mover kasi sabi sa physics a thing does not move if no force is applied to it. So therfore that first mover must be GOD.
Ang totong tanong talaga eh, "Why does GOD exist?" Kahit ako kasi hindi ko pa alam ang sagot sa tanong na yan. Im still hoping that someday someone, somewhere, something can give me the answer. Para kasing hindi kaya ng FAITH ko na sabihin ang sagot.