Ang Kwento ng Payaso at Ang Isang Baso
Minsan habang akoy nasa birthday party, naupo ako sa tabi at uminom ako ng isang basong tubig. Ng ilapag ko ang baso natural nabawasan. naging kalahati ang laman nito. Tinitigan ko ang baso at bigla kong natanong ang sarili ko, "Eto bay half full or half empty?"
Parang buhay natin, hindi mo alam kung ang buhay mo ang may kulang sayo o ikaw ang may kulang sa buhay mo? do you feel half full or half empty? madami ka bang kulang o madami ka lang nakakalimutan? minsan kasi akala natin may kulang pa sa atin pero minsan hindi natin naiisip na baka hindi naman natin kailangan nung mga bagay na hinahanap natin. o kaya naman dagdag lang tayo ng dagdag may butas pala yung glass kaya kahit anong gawin natin ganun pa rin. minsan din kasi hindi talga tayo makuntento. im not saying its wrong to want things. hindi naman masama yun eh. but sometimes we need to assess if the things we want eh will make our glass full or will be just another empty glass or just right to quench our thirst.
Kaya ako hindi ko hahayaan umapaw o kaya kulang ang laman ng baso ko. paano na lang pag nauhaw ako?
September 18th, 2006 at 12:19 am
SA MGA TAONG PANIGURADOG TATAMAAN:
hindi po layunin ng Payaso Unlimitted na barahin ang inyong paniniwala o kayo’y kontrahin sa anumang aspeto ng buhay sa anumang paraan . ito ay pawang upinyon lamang at kayo ay nagsisilbing inspirasyon para ito mailathala. kung sakasakali man na nasagasaan namin ang inyong mga damdamin o nayurakan ang inyong pagkatao, kami po ay taus pusong humihingi ng paumanhin at hindi po namin ito sinasadya.
maraming salamat po!
BOW!