Kwento ng Payaso Tugkol Sa Kulto ng Mapanghusgang Mata
Hay naku! Isang araw nanaman ang natapos. Grabe ang pagod ko sa pagpapapatawa. Isang birthday party lang ang pinuntahan ko pero parang sampu ang nagcelebrate. Buti na lang sanay na.
Anyway, may naalala akong isang malungkot na kwento.
Kuntento ka ba sa itsura mo? Marami bang tao na tanggap ka bilang ikaw? Wala ka ba sa kapangyarihan ng mga kampon ng MAPANGHUSGANG MATA? Kung isang malaki at naguumapaw na OO ang inyong sagot, naka-iingit kayo.
Ako kasi simula pagkabata hanggang sa akoy tumanda, at siguro hanggang sa aking kamatayan ay hindi na ata ako makakatakas sa kapangyarihan ng MAPANGHUSGANG MATA. Nagsimula lahat sa aming munting tahanan na bawal magkamali. Ultimo paghawak ng kutsara at tinidor ay binabantayan ka. Kaya nga lagi na lang akong mali sa mga mata ng aking mga pinakamamahal na mga kamaganak. At ni minsan ay hindi pa ako nakatakas sa kanilang mapanghusgang mga mata. Kahit sa iskwelahan, mga titser ko ay kampon din ng mapanghusgang mata. Bawal na maging Top 2 dahil isa daw akong pambihirang bata. Kailangan Top 1. Kailangan laging angat sa mga klasmeyt ko. kailangan perpek iskor dapat sa mga quizes. Nakakasawa. Kaya nung akoy labing anim na taong gulang, habang binbaybay ang kahabaan ng Baymbong St., ay may nabasa ako sa isang poste ng kuryente na isang poster na ang nakasulat ay "WANTED PAYASO! Just text Mr. Buyoyong at this no….." Ng walang pagdadalawang isip at pagaalinlangan, agad kong tinext si Mr. Buyoyong at agad na nag-apply bilang isang dakilang payaso. Siguro kaya ko ginawa yun ay dahil sa kagustuhan kong malayao sa mga kampon ng mapanghusgang mata. Para kahit saglit lamang ay aking maramdaman ang kalayaan na matagal ko ng inaasamasam. Kalayaan na gawin ang mga bagay bagay na walang mtang nakatingin at nagmamatyag sa akin. At syempre para magkapera. Pero hindi pa rin pala iyon ang sulusyon. Dahil nga sa ako ay isang ganap na na payaso, lahat ng nanonood sa aking mga ginagawang palabas ay inaasahan na maganda ang aking ipapakita. Muli nasa ilalim nanaman ako ng kapangyarihan ng mga kampon ng mapanghusgang mata. Lagi akong nageensayo para lang maperpek ang aking mga act. Kulang na lang ata ay tumira ako sa sirkus kakapraktis. Pero kahit ganun, may ilang mga tao naman na tanggap ako. Sila ang mahigpit na kalaban ng kulto ng mapanghusgang mata. Ang kulto ng MGA KAIBIGAN. Buti na lang at tinutulungan nila ako laban sa kampon ng mapanghusgang mata. Ngayon, hindi na ako mag-iisa. Pero hindi pa rin maiiwasan ang kampon ng mapanghusgang mata kaya kaht na naandyan ang kampon ng mga kaibigan, alipin pa rin ako ng mapanghusgang mata.
Hay! Hanggang kailan kaya ako magiging alipin ng matang mapanghusga? Sadya ba talagang hindi para sa akin ang kalayaan na aking hinahangad? Masyado ba itong mataas na pangarap para sa isang hamak na payasong tulad ko at hindi ko ito makuhakuha? Hay! Sana ay matapos na. Hindi ko na kasi talaga kaya. Gusto ko nang kumawala sa titig ng mapanghusgang mga mata.
August 6th, 2006 at 1:57 am
Kung nahabaan kayo sa nauna…pwes mas mahaba itong ngayon…hehehehe! mgakatyaga sana kayong mag basa…
August 6th, 2006 at 2:02 am
NOTICE TO THE PUBLIC:
PARA SA MADLANG PEOPLE:
ang KWENTO NG PAYASO ay hindi po totoo. itoy pawang kathang isip lamang ngunit, datapwat, itoy hango sa tunay na kwento ng mga taong aking nakapanayam. kung medyo malabao ang aking eksplinasyon ay maaari lamang poh na sumulat o itxt nyo ako sa aking celluler phone at agad ko po iyong i-dedelete.
August 6th, 2006 at 2:07 am
PARA SA MGA TAONG WALANG SAWANG SUMUSUBAYBAY SA SERIES NG KWENTO NG PAYASO:
mula sa mga taong bumubuo ng PAYASO UNLIMITTED. ang kumpanyang pinagmulan ng KWENTO NG PAYASO series. maraming salamat po sa walang sawa at walang kareklareklamong pagsuporta sa aming mga kwento. asahan niyo po na sa mga sususnod pa na issue, ay lalo pa po naming papahabain, padradramahin, at lalo kayong maiinis sa haba ng aming mga KWENTO NG PAYASO series.
hanggang sa muling series. muli po maraming salamat!!!!!!!!!
August 22nd, 2006 at 4:39 am
“ako’y alipin mo kahit hindi batid…”
maski ang inaakala nating pinakamaswerteng tao sa mundo, na close to perfect na ay nahuhusgahan pa din.
we hev to live with it. atlist alam nting napapncin pala tayo..