Kwento ng Isang Payaso sa Sirkus
"Ikaw bay nalolongkot at walang makausap?" hehehehe! Ewan ko ba kung saan ko unang narinig yung linyang yan but i think its from a commercial or something.
But seriously speaking, are you feeling sad or lonely? feeling mo ba eh walang nagpapahalaga sayo kung hindi yung tindera ng load na inaantay ka araw araw at umaasang ikaw ay magpapaload? feeling mo ba na ikaw ay nag-iisa sa mundo at lahat ng kaibigan mo ay nag-evaporate ng lahat? pwes makinig ka sa aking kwento. baka sakaling pareho tayo…
alam niyo maswerte kayo kung lagi niyong kasama yung mga kaibigan mo. mga taong pwede mong pagsabihan ng tampo o ng problema. kasi ako, may tinuturing nga akong kaibigan pero kailangan ko namang kumain ng apoy at tumulay sa alambre para lang mapansin. kung kayo papasok sa kawarto na puno ng mga kaibigan mo, walang duda may isang sisigaw at babati sayo ng "hoy bakla!" o kaya eh may maririnig ka na lang na "Andyan na ang reyna ng tsismis!" o di ba hindi mo na kailangan ng hired professional o kaya ng magprepare at magpractice ng kung anu-anong stunt para ma-introduce ang sarili mo. eh ako, pag pasok ko sa loob, kailangan ko pang ihanda ang mga materials ko sabay patay ng ilaw. sabay sigaw ng "Darna!", subo ng apoy, tulay sa alambre. dahil dun lang nila mapapansin na pumasok na pala ako.
swerte din kayo kung lagi kayong inaasar nag mga kaibigan mo.
OOPPSS…time out muna! ano daw? swerte ka paglagi kang inaasar? kailan pa nangyari yun?
hayaan mo ipapaliwanag ko…paginaasar ka ng mga kaibigan mo, paytunay lang yun na napapansin ka nila. oo masama nga namang mangasar pero atleast napapansin ka. pano kung hindi ka nga inaasar hindi ka din naman pinapansin? hindi ba pagdarasal mo na sana kahit na asarin ako buong araw pansinin lang ako ng mga taong tinatawag kong kaibigan. kasi ako, mayroon nga akong mga tinatawag na kaibigan pero ni minsan hindi ko naramdamaan na kaibigan nila ako. kakausapin lang ako ng mga yun pag nagtatanong ng oras. tapos balik nanaman ako sa ghost-mode. see thru nanaman ako. parte nanaman ako ng pader. isa nanaman akong kaluluwa na lumulutang lutang sa ere.
Ang moral lesson ng aking kwento, be thankful for persons whom may not be good to you but surely, 100%, pag sinabi mong kaibigan mo siya, taas noong haharap yan at sasabihing "Yes, tawag mo ko?"
August 4th, 2006 at 9:25 am
pinaka mahabang blog ko yet…may part 2 pa yan…ABANGAN!!!!!!!!!!!!
August 4th, 2006 at 9:28 am
NOTICE TO THE PUBLIC:
wala akong gustong palabasin o ipahiwatig sa maga katagang nakikita ng inyong dalawang magagandang mata at naiintindihan ng inyong sensitive na brocas region. nais ko po lamang ipamahagi ang kwentong naaangkop sa mag nangyayari sa aking kapaligiran. harinaway inyong maintindihan.
August 4th, 2006 at 9:31 am
NOTICE TO THE PUBLIC #2:
kung ang mga letra sa itaas na bahagi ng web page na ito ay inyong nababasa. ipagbigay alam lamang po sa mga kamaganak, kapit bahay, kabarangay, at barkada at ipagmalaking kayo ay nakakabasa na pala. congratulations!!! keep up the good work!!!
August 4th, 2006 at 9:38 am
“thank you”.
August 4th, 2006 at 9:39 am
may roll call ba sa friends?! present!.. present ako!
August 4th, 2006 at 9:46 am
thank you.. sa pangaasar ha..sa pakikipag-debate sa akin..madalas..hehehe!wag ka ng malungkot..andito ang c2 and friends.
August 6th, 2006 at 1:01 am
hoys emman! anu yen? hehe…naaaliw ako s mga blog nyo ah…cge lang..gawa pa ng may magawa din ako..PEACE OUT joke lng! ghost mode pala ah..yan ba eh nung naiwan k naman sa Minolta? ehehehe….
August 12th, 2006 at 8:31 am
oh man… salamat sa lahat ng cnbi mo… buti nlng pla mhilig akong mngasar.. wahehehehe…. joke!!:) kng saka2ling isa ka rin sa mga taong un…dont wori.. ndi mo n klngan png sumigaw ng darna, bumuga ng apoy, 2mulay sa alambre.. dahil… (ako lng may krapatang gmwa nun!!!) wahehehehe… ndi mo lng alm n hinahnap k rin nmin.. so wag na u tampo!!