Ang Kwento ng Payaso Tungkol Sa Kanyang Panaginip
(this is based on a text message ive read…)
sa wakas im returning home…ang dami kong nagawang mga tricks today…suko na ang katawan ko…makatulog na nga….
Habang akoy naglalakad pauwi ng bahay galing trabaho iniisip ko kung ano ang mainit na hapunan. fried chicken na may kapartner na mainit na sabaw at naguumapaw na kanin. dahil sa mga niisip ko nagmamadali na akong makauwi kaya napilitan akong magshort cut. hindi ko ‘to madalas ginagawa dahil sa takot na mahold-up. madilim kasi ang short cut na daan papunta sa amin. nung nasa kalgitnaan na ako ng eskinita may nakita akong isang bata. mukhang malnourished dahil sa payat na payat niyang katawan. nilalamig pa ito at ng kinapa ko ay nagaapoy sa lagnat ang bata. dahil sa awa ay dinala ko ang bata sa pinakamalapit na health center. pagdating sa center ay inerefer kami sa isang govt hospital dahil hindi daw sapat ang kanilang gamit para magamot ang bata. agad tumawag ang center ng ambulansya para sunduin kami at ihatid sa ospital. pagdating sa ospital ay agad nilang kinabitan ng swero ang bata at napalibutan siya ng mga doctor at mga nurse…
Hidi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dahil biglang pumuti ang paligid at meroon na akong katabi. hindi ko maaninag ang Kanyang mukha pero pakiramdam ko matagal ko na Syang kilala. Tinanong ko Siya, "bakit Mo hinayaang mangyari yun sa bata? akala ko ba eh nakikita Mo ang lahat? akala ko ba mahal Mo kami? pero bakit wala Kang ginawa para maiwasan ang nangyari sa bata?" bigla Siyang humarap sa akin at sinabi "Mayroon Akong ginawa, hindi mo lang napapansin, hindi mo lang nararamdaman, hindi ba pinadala kita?"
akoy namulat sa ingay ng aking alarm clock. 9:30 ng umaga na pala. isa lamang palang panaginip ang nangyari. nang akoy pumunta sa kusina para mag-almusal napansin ko na may diyaryo na sa lamesa. dinampot ko ang diyaryo at nagbasa. habang akoy nagbabasa ng diyaryo akoy natigilan at hindi ko alam kung akoy matatakot, magugulat, matutuwa, o magdaralsal. naksulat kasi na isang batang malnourished at inaapoy ng lagnat ang nailigtas kagabi sa isang eskenita. sa eksaktong lugar at oras ng aking panaginip. ayon sa bata isang lalaking anghel daw ang tumulong sa kanya at nagdala sa kanya sa ospital. nakausap daw kasi niya ang isang matandang lalaki at sinabing tututlungan siya nito. sinabi ko sa aking sarili, "maaari kayang ang matanda sa aking panaginip ang Siya ring nakausap ng bata?"
September 2nd, 2006 at 9:15 am
para siyang??