Ang Kwento ng Payaso at Ng Isang Misteryosong Tao

     Habang ako ay naglalakad papauwi ng bahay, may Isang Lalaki akong nakasabay at sa di inaasahang pagkakaton ako ay kanyang tinanong.  Ang sabi Niya, "sa tingin mo ba parusa ang ginawa ng Diyos kay Eba’t Adan ng palayasin sila sa garden of Eden dahil sa pagkain ng pinagbabawal na prutas?" Nung una ayaw ko sana Siyang sagutin pero dahil sa maamo Niyang mukha ang puso ko ay lumambot.  Sinagot ko Siya, "Oo! Dahil sinuway nila ang utos ng Diyos kaya dapat lang na prusahan sila.  Pero alam Mo, sa tingin ko may kasalanan din naman ang Diyos.  Kasi kung hindi Niya tinanim ang pinagbabawal na prutas, eh di sana ok!"  Ngumiti lamang Siya at sinabing, "Ganun ba ang iyong paniniwala?  Pano kung sabihin ko sayo na hindi iyon isang parusa bagkos, yun ay isang regalo mula sa Kanya."  Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin.  Parte ko ay gustong malaman kung bakit at ang isang parte ay gusto Siyang tawanan. Pero hindi pa man ako nakakasagot ay bigla Niyang sinabi, "Gusto mo bang malaman kung bakit?"  At sinimulan niya ang lecture…

   "Tinanim ng Diyos ang puno ng pinagbabawal na bunga hindi sa dahil gusto niya tayong saktan o sukatin kung hanggang saan ang ating katapatan. Oo ngat pinagbawalan niya ang tao na huwag kakainin ang bunga ng ipinagbabawal na prutas pero hindi niya sinabing masama itong kainin. Kaya kung iisipin mo, simula pa lang, binigyan na ng Diyos ang tao ng free will.  Ibig sabihin, sila ay may kakayahang gawin ang anu mang nais nila.  Ibig sabihin, pwede nilang sundin ang Diyos o hindi.  Kasi wala namang ama na maglalagay ng isang bagay sa tabi ng kanyang anak na makakasama dito.  Kaya ang paglalagay ng pinagbabawal na prutas sa garden of eden ay hindi tulad ng isang ama na magbibigay ng apoy sa anak, bibigyan ng babala, at papabayaan na lamang.  Sa Aking palagay binigyan ng Diyos ang tao ng dalawang pagpipilian.  Una, sumunod sa kanya and live life the easy way or pangalawa, kainin ang pinagbabawal na prutas and live life the hard way. Sa unang pagpipilian, mabubuhay ka at ag Diyos ang magsasabi sayo ng mga bagay na dapat mong malman.  Sa pangalawang pagpipilian, youll know everything but you have to learn it the hard way.  Magtratrabaho ka at mag-aaral para malaman ang mga kasagutan sa mga tanong sa buhay.  Kaya sa simula pa lang, alam na ng tao kung ano ang sagot sa tanong na May Diyos ba?, What kind of God is He?, What does he look like? mga bagay na tanging Diyos lang ang may alam.  Pero pinili ng tao na kalimutan ang lahat at hanapin ang sagot sa mahirap at magulong paraan.  Puno ng speculation, pagdududa at alinlangan.  Kaya ng pinalayas ang tao sa garden of eden, hindi iyon isang parusa bagkos ay isang regalo.  Regalo kasi hinayaan ka Niya na hanapin ang sagot sa mga tanong sa pinili mong paraan at hindi lang yun, sinabi niya pa sayo kung ano ang gagawin mo oras na lumabas ka sa garden of eden.  Maihahalintulad ito sa pagwalay ng anak sa kanyang magulang.  Hinahayaan ka ng magulang mong mabuhay ayon sa gusto mo at minsan my tips o advice pa sila sayo kung ano ang dapat at hindi dapat gawin at minsan minsan, dinadalaw ka para lang kamustahin at tignan kung ano ang ginagawa mo.  kaya kung hindi pa rin alam ng tao kung gaano kayo kamahal ng Diyos, isipin niyo na lang kung gaano kayo kamahal ng magulang niyo."

   Sa haba ng sermon Niya pwede a Siyang maging pari.  At sa sobrng haba ng kwetno niya, nakarating kami sa  isang simbahan.  Sabi Niya "Salamat sa iyong pakikinig!  Sana ay naliwanagan ka at magbago sana ang iyong pananaw sa buhay. dito na ang bahay Ko. Inaantay na ako ng Aking Ama.    

10 Responses to “Ang Kwento ng Payaso at Ng Isang Misteryosong Tao”

  1. Vincent Says:

    Isa po itong ipiritwal na edisyon ng Kwento ng Payaso series. Kaya po kami ay humihingi ng paumanhin sa aming mga reader kung medyo magiging magulo ang sumunod na kwentong ito. Kung mayroon po kayong gustong linawin o itanong maaari niyo pong lapitan ang aming writer, o di kaya ang aming publisher, o ang aming presidente, walang iba kung hindi ako, para linawin ang mga bagay bagay….

    B A B A L A :
    ANG NAKASULAT SA EDISYON NA ITO AY PAWANG MGA OPINION LAMANG. HINDI RIN PO TOTOO NA NAKAUSAP O KAUSAP KO SI JC O JESUS CHRIST HABANG GINAGAWA ANG KWENTO TULAD NG SINASABI SA KWENTO.

  2. Vincent Says:

    B A B A L A :
    BASAHIN ANG BABABLA!

  3. 'aiRaH' Says:

    payaso, naibigan ko ang iyong ginawa..kahanga-hanga! dahil jan gagawaran kita ng isang reward..(ay, magastos..palakpak na lang)

    anyway, talagang maganda sya. kung sariling gawa mo yan, saludo ako sayo! pede ka nang magpari..sana sa Philam Church para maka-attend ako ng sermon mo…hehe…pace out! peace pala!

  4. 'maria danica' Says:

    *palakpak*

    pak
    pak
    pak…

    hoo! danda

  5. bEh - beH Says:

    mr.clown!!! wat a story!!! GANDA!!! astig mo tlga… hehehehe…

    enyweiz… i jz wanna tel u… “I MISS YAH…” sna nmn mksbay n ulit kta s pguwi… miss ko n kwen2han ntin e… heheheheh

  6. 'jEpP' Says:

    so you’re telling me na you believe it’s a gift from God? let me tell you, God got angry because adam and eve ate the fruit… bakit ka magagalit if you are sharing a blessings (gift) to your children? it’s obvious that God didn’t want this to happen by giving us His wrath of anger - eliminating us into His paradise (wouldn’t be living with Him in the paradise is the greatest gift He can give? besides eternal life un). unfortunately, due to God’s unlimited powers and so forth, He must have been able to see that His two children will going to eat the fruit from that tree (remember sinabihan niya pa ung dalawa na don’t eat from that tree, although nakita na niya sa kanyang mahiwagang mind na kakainin pa rin nila) He is not bound by time nor space kaya lahat nakita na Niya, so anong problema niya?. well, nweiz it’s your opinion… share ko lang ung sa akin…

  7. Vincent Says:

    una…
    sinong magulang ba ang hindi magagalit if their rules are broken? kahit sino naman di ba? but still they love you…

    pangalawa…
    si God, kahit alam niya na gagawin nila Adam and Eve yung pagkain ng friut, hindi pa rin niya hinayaan na lang na gawin yun by simply telling them not to eat from that tree…kasi pag ginawa niya yun para niya na ring sinabi na wala Siyang faith sa tao na ginawa niya…hindi rin naman madali yung ginagawa niya…biruin mo alam mo na kung ano ang mangyayari pero nagbulagbulagan Siya just to shw His faith on his creation…

    sagot lang..hehehe!

  8. Vincent Says:

    Mula sa bumubuo ng Payaso Unlimitted, kami po ay nagpapasalamat sa inyong mga comment at sa walang sawang pagsuporta sa aming mga kwento…para lalong maging mas maganda ang aming mga topic ng kwento maaari na po kayong magsuggest ng topic para gawan ng kwento…oh di ba?! ang tarush!! hehehe! paki lagay na lang po ito sa inyong mga susunod na comment…

    Maraming Salamat po!

  9. 'aiRaH' Says:

    God knew it will happen, but he didnt manipulated Adam/Eve, what does Freedom means if he’ll do such thing to control them? God told them not to eat d fruit, he rather told them this instead of using his power to change their(Adam/Eve) decision of disobeying God.

    that’s how God wanted us to live, Decide on our own we’ll. it’s up to us if will follow him or not. As long as we’re lving, breathing & witnessing his Love for us.

    War? Crucfixion? Rape? Suicide. Men all decided to do these immoral acts. how about newborn with congenital dse.? their parents did that. or the blinds? disabled? victims? inspite of their experiences or conditions God still wanted them to see the beauty of life behind.

    it’s all up to us! if we’ll appreaciate everything in this world or not. and it’s all up to us, if we’ll let Bad things happen to us & to others.

    im nothing against anything, im just putting an emphasis with this–> “Freedom” (it’s more than just a gift from him) it’s everybody’s choice to believe or not to blieve.

    anyway if u believe-u go to heaven
    if u dont believe-u still go to heaven
    but if you’re against it till u die-most probably u go to hell,
    all based from my own faith…am not talking abt religion here.

  10. 'jEpP' Says:

    wow how did you know that all the people who are against till they die will most probably go to hell?? any evidences? NONE, probably it’s what the book said… eeeeee…

    really??? God didn’t manipulated?? haha… kung loyal christian ka tlga… as i said bago niyo sabihin ung mga ganyan read the book (bible) at sabihin mo sa akin na hindi niya tlga minanipulate ang mga tao… from cover to cover basahin niyo… let’s see… i’m proud to say that i’m against but most probably i can’t tell if i’m still, until i die.. if i go to hell most probably your God is not a good Father… alamin mo kung bakit wag mong idefend.. hirap kasi magpaliwanag sa mga “blind” of their faith eh… ^_^

Leave a Reply