Archive for August, 2006

Ang Kwento ng Payaso Tungkol Sa Kanyang Panaginip

Thursday, August 31st, 2006

    (this is based on a text message ive read…)

     sa wakas im returning home…ang dami kong nagawang mga tricks today…suko na ang katawan ko…makatulog na nga….

    Habang akoy naglalakad pauwi ng bahay galing trabaho iniisip ko kung ano ang mainit na hapunan. fried chicken na may kapartner na mainit na sabaw at naguumapaw na kanin. dahil sa mga niisip ko nagmamadali na akong makauwi kaya napilitan akong magshort cut. hindi ko ‘to madalas ginagawa dahil sa takot na mahold-up. madilim kasi ang short cut na daan papunta sa amin.  nung nasa kalgitnaan na ako ng eskinita may nakita akong isang bata. mukhang malnourished dahil sa payat na payat niyang katawan. nilalamig pa ito at ng kinapa ko ay nagaapoy sa lagnat ang bata. dahil sa awa ay dinala ko ang bata sa pinakamalapit na health center. pagdating sa center ay inerefer kami sa isang govt hospital dahil hindi daw sapat ang kanilang gamit para magamot ang bata. agad tumawag ang center ng ambulansya para sunduin kami at ihatid sa ospital. pagdating sa ospital ay agad nilang kinabitan ng swero ang bata at napalibutan siya ng mga doctor at mga nurse…

     Hidi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dahil biglang pumuti ang paligid at meroon na akong katabi.  hindi ko maaninag ang Kanyang mukha pero pakiramdam ko matagal ko na Syang kilala.  Tinanong ko Siya, "bakit Mo hinayaang mangyari yun sa bata? akala ko ba eh nakikita Mo ang lahat? akala ko ba mahal Mo kami? pero bakit wala Kang ginawa para maiwasan ang nangyari sa bata?" bigla Siyang humarap sa akin at sinabi "Mayroon Akong ginawa, hindi mo lang napapansin, hindi mo lang nararamdaman, hindi ba pinadala kita?"

    akoy namulat sa ingay ng aking alarm clock. 9:30 ng umaga na pala. isa lamang palang panaginip ang nangyari. nang akoy pumunta sa kusina para mag-almusal napansin ko na may diyaryo na sa lamesa. dinampot ko ang diyaryo at nagbasa. habang akoy nagbabasa ng diyaryo akoy natigilan at hindi ko alam kung akoy matatakot, magugulat, matutuwa, o magdaralsal. naksulat kasi na isang batang malnourished at inaapoy ng lagnat ang nailigtas kagabi sa isang eskenita. sa eksaktong lugar at oras ng aking panaginip. ayon sa bata isang lalaking anghel daw ang tumulong sa kanya at nagdala sa kanya sa ospital. nakausap daw kasi niya ang isang matandang lalaki at sinabing tututlungan siya nito.  sinabi ko sa aking sarili, "maaari kayang ang matanda sa aking panaginip ang Siya ring nakausap ng bata?"     

Ang Kwento ng Payaso at Ang Comment Sa Ilalim ng Comment

Wednesday, August 30th, 2006

     hehehe! thank you Jepp for your comment! nabasa mo pala…hehehe! natuwa ako promise!…

     Well anyweiz, ill just comment on your comment…but actually I’ve already written my comment sa ilalim nga comment mo but for the sake of those who are also reading…comment din kayo…its open for everybody…

Una…bakit Siya nagalit…

     God is also a parent, and parents sets rules so that a home is in peace…for example your parents says "Dapat nasa house ka na ng 10:00pm." pero hindi ka nakauwi ng 10pm hindi ba magagalit parents mo? so God was upset… but He didn’t just eliminate us from His paradise just because He’s upset…syempre when Adam and Eve ate the fruit, they made a choice…and eliminating them from paradise is a consequence…if you’re a parent and your child made a mistake di ba you discipline them? you don’t just smile and let them be…but why eliminate? madami namang ibang pwedeng consequence? its because when Adam and Eve ate the fruit, we’ve lost our privilege of living in the paradise…so what God did…"Sige, simula ngayon ikaw lalake ang maghahanap ng pagkain niyo at ikaw babae ay maghihirap sa panganganak"… so to gain a lost trust, you must show your worthy, to return home you must find your way…sabi ko nga we choose to live this way, no one elses…so to return to the paradise, you must find the way back…

Pangalawa…kung alam Niya, bakit pa rin siya nagalit…

     This just prove that God has faith in His creation…and this shows how much God loves us…biruin mo, alam na niya na hindi Siya susundin ni Adam and Eve and yet He still warned them not to eat from The tree…kung tao ang nasa kalagayan ni God di ba mahirap gawin ang ginawa niya? He set aside kung anu man ang alam niya and watch as it unfold again…now dont you think its not justifiable to be angry? kahit sino, alam mo nang niloloko ka and yet you wait for it to happen before you confront him or her…di ba magagalit ka pa din kahit alam no na? pero hindi lang din yun ang dahilan kung bakit iya nagalit…as i’ve said, He set a rule, and His creation broke it…

so yun lang…Jepp i hope you can comment again…hehehe!

Ang Kwento ng Payaso at Ng Isang Misteryosong Tao

Tuesday, August 22nd, 2006

     Habang ako ay naglalakad papauwi ng bahay, may Isang Lalaki akong nakasabay at sa di inaasahang pagkakaton ako ay kanyang tinanong.  Ang sabi Niya, "sa tingin mo ba parusa ang ginawa ng Diyos kay Eba’t Adan ng palayasin sila sa garden of Eden dahil sa pagkain ng pinagbabawal na prutas?" Nung una ayaw ko sana Siyang sagutin pero dahil sa maamo Niyang mukha ang puso ko ay lumambot.  Sinagot ko Siya, "Oo! Dahil sinuway nila ang utos ng Diyos kaya dapat lang na prusahan sila.  Pero alam Mo, sa tingin ko may kasalanan din naman ang Diyos.  Kasi kung hindi Niya tinanim ang pinagbabawal na prutas, eh di sana ok!"  Ngumiti lamang Siya at sinabing, "Ganun ba ang iyong paniniwala?  Pano kung sabihin ko sayo na hindi iyon isang parusa bagkos, yun ay isang regalo mula sa Kanya."  Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin.  Parte ko ay gustong malaman kung bakit at ang isang parte ay gusto Siyang tawanan. Pero hindi pa man ako nakakasagot ay bigla Niyang sinabi, "Gusto mo bang malaman kung bakit?"  At sinimulan niya ang lecture…

   "Tinanim ng Diyos ang puno ng pinagbabawal na bunga hindi sa dahil gusto niya tayong saktan o sukatin kung hanggang saan ang ating katapatan. Oo ngat pinagbawalan niya ang tao na huwag kakainin ang bunga ng ipinagbabawal na prutas pero hindi niya sinabing masama itong kainin. Kaya kung iisipin mo, simula pa lang, binigyan na ng Diyos ang tao ng free will.  Ibig sabihin, sila ay may kakayahang gawin ang anu mang nais nila.  Ibig sabihin, pwede nilang sundin ang Diyos o hindi.  Kasi wala namang ama na maglalagay ng isang bagay sa tabi ng kanyang anak na makakasama dito.  Kaya ang paglalagay ng pinagbabawal na prutas sa garden of eden ay hindi tulad ng isang ama na magbibigay ng apoy sa anak, bibigyan ng babala, at papabayaan na lamang.  Sa Aking palagay binigyan ng Diyos ang tao ng dalawang pagpipilian.  Una, sumunod sa kanya and live life the easy way or pangalawa, kainin ang pinagbabawal na prutas and live life the hard way. Sa unang pagpipilian, mabubuhay ka at ag Diyos ang magsasabi sayo ng mga bagay na dapat mong malman.  Sa pangalawang pagpipilian, youll know everything but you have to learn it the hard way.  Magtratrabaho ka at mag-aaral para malaman ang mga kasagutan sa mga tanong sa buhay.  Kaya sa simula pa lang, alam na ng tao kung ano ang sagot sa tanong na May Diyos ba?, What kind of God is He?, What does he look like? mga bagay na tanging Diyos lang ang may alam.  Pero pinili ng tao na kalimutan ang lahat at hanapin ang sagot sa mahirap at magulong paraan.  Puno ng speculation, pagdududa at alinlangan.  Kaya ng pinalayas ang tao sa garden of eden, hindi iyon isang parusa bagkos ay isang regalo.  Regalo kasi hinayaan ka Niya na hanapin ang sagot sa mga tanong sa pinili mong paraan at hindi lang yun, sinabi niya pa sayo kung ano ang gagawin mo oras na lumabas ka sa garden of eden.  Maihahalintulad ito sa pagwalay ng anak sa kanyang magulang.  Hinahayaan ka ng magulang mong mabuhay ayon sa gusto mo at minsan my tips o advice pa sila sayo kung ano ang dapat at hindi dapat gawin at minsan minsan, dinadalaw ka para lang kamustahin at tignan kung ano ang ginagawa mo.  kaya kung hindi pa rin alam ng tao kung gaano kayo kamahal ng Diyos, isipin niyo na lang kung gaano kayo kamahal ng magulang niyo."

   Sa haba ng sermon Niya pwede a Siyang maging pari.  At sa sobrng haba ng kwetno niya, nakarating kami sa  isang simbahan.  Sabi Niya "Salamat sa iyong pakikinig!  Sana ay naliwanagan ka at magbago sana ang iyong pananaw sa buhay. dito na ang bahay Ko. Inaantay na ako ng Aking Ama.    

Kwento ng Payaso Tugkol Sa Kulto ng Mapanghusgang Mata

Sunday, August 6th, 2006

     Hay naku! Isang araw nanaman ang natapos. Grabe ang pagod ko sa pagpapapatawa. Isang birthday party lang ang pinuntahan ko pero parang sampu ang nagcelebrate. Buti na lang sanay na.

     Anyway, may naalala akong isang malungkot na kwento.

     Kuntento ka ba sa itsura mo? Marami bang tao na tanggap ka bilang ikaw? Wala ka ba sa kapangyarihan ng mga kampon ng MAPANGHUSGANG MATA? Kung isang malaki at naguumapaw na OO ang inyong sagot, naka-iingit kayo.

     Ako kasi simula pagkabata hanggang sa akoy tumanda, at siguro hanggang sa aking kamatayan ay hindi na ata ako makakatakas sa kapangyarihan ng MAPANGHUSGANG MATA. Nagsimula lahat sa aming munting tahanan na bawal magkamali. Ultimo paghawak ng kutsara at tinidor ay binabantayan ka. Kaya nga lagi na lang akong mali sa mga mata ng aking mga pinakamamahal na mga kamaganak. At ni minsan ay hindi pa ako nakatakas sa kanilang mapanghusgang mga mata. Kahit sa iskwelahan, mga titser ko ay kampon din ng mapanghusgang mata. Bawal na maging Top 2 dahil isa daw akong pambihirang bata. Kailangan Top 1. Kailangan laging angat sa mga klasmeyt ko. kailangan perpek iskor dapat sa mga quizes. Nakakasawa. Kaya nung akoy labing anim na taong gulang, habang binbaybay ang kahabaan ng Baymbong St., ay may nabasa ako sa isang poste ng kuryente na isang poster na ang nakasulat ay "WANTED PAYASO! Just text Mr. Buyoyong at this no….." Ng walang pagdadalawang isip at pagaalinlangan, agad kong tinext si Mr. Buyoyong at agad na nag-apply bilang isang dakilang payaso. Siguro kaya ko ginawa yun ay dahil sa kagustuhan kong malayao sa mga kampon ng mapanghusgang mata. Para kahit saglit lamang ay aking maramdaman ang kalayaan na matagal ko ng inaasamasam. Kalayaan na gawin ang mga bagay bagay na walang mtang nakatingin at nagmamatyag sa akin. At syempre para magkapera. Pero hindi pa rin pala iyon ang sulusyon. Dahil nga sa ako ay isang ganap na na payaso, lahat ng nanonood sa aking mga ginagawang palabas ay inaasahan na maganda ang aking ipapakita. Muli nasa ilalim nanaman ako ng kapangyarihan ng mga kampon ng mapanghusgang mata. Lagi akong nageensayo para lang maperpek ang aking mga act. Kulang na lang ata ay tumira ako sa sirkus kakapraktis. Pero kahit ganun, may ilang mga tao naman na tanggap ako. Sila ang mahigpit na kalaban ng kulto ng mapanghusgang mata. Ang kulto ng MGA KAIBIGAN. Buti na lang at tinutulungan nila ako laban sa kampon ng mapanghusgang mata. Ngayon, hindi na ako mag-iisa. Pero hindi pa rin maiiwasan ang kampon ng mapanghusgang mata kaya kaht na naandyan ang kampon ng mga kaibigan, alipin pa rin ako ng mapanghusgang mata.

     Hay! Hanggang kailan kaya ako magiging alipin ng matang mapanghusga? Sadya ba talagang hindi para sa akin ang kalayaan na aking hinahangad? Masyado ba itong mataas na pangarap para sa isang hamak na payasong tulad ko at hindi ko ito makuhakuha? Hay! Sana ay matapos na. Hindi ko na kasi talaga kaya. Gusto ko nang kumawala sa titig ng mapanghusgang mga mata.

Kwento ng Isang Payaso sa Sirkus

Friday, August 4th, 2006

"Ikaw bay nalolongkot at walang makausap?" hehehehe! Ewan ko ba kung saan ko unang narinig yung linyang yan but i think its from a commercial or something.

But seriously speaking, are you feeling sad or lonely? feeling mo ba eh walang nagpapahalaga sayo kung hindi yung tindera ng load na inaantay ka araw araw at umaasang ikaw ay magpapaload? feeling mo ba na ikaw ay nag-iisa sa mundo at lahat ng kaibigan mo ay nag-evaporate ng lahat? pwes makinig ka sa aking kwento. baka sakaling pareho tayo…

alam niyo maswerte kayo kung lagi niyong kasama yung mga kaibigan mo. mga taong pwede mong pagsabihan ng tampo o ng problema.  kasi ako, may tinuturing nga akong kaibigan pero kailangan ko namang kumain ng apoy at tumulay sa alambre para lang mapansin. kung kayo papasok sa kawarto na puno ng mga kaibigan mo, walang duda may isang sisigaw at babati sayo ng "hoy bakla!" o  kaya eh may maririnig ka na lang na "Andyan na ang reyna ng tsismis!" o di ba hindi mo na kailangan ng hired professional o kaya ng magprepare at magpractice ng kung anu-anong stunt para ma-introduce ang sarili mo. eh ako, pag pasok ko sa loob, kailangan ko pang ihanda ang mga materials ko sabay patay ng ilaw.  sabay sigaw ng "Darna!", subo ng apoy, tulay sa alambre. dahil dun lang nila mapapansin na pumasok na pala ako.

swerte din kayo kung lagi kayong inaasar nag mga kaibigan mo.

OOPPSS…time out muna! ano daw? swerte ka paglagi kang inaasar? kailan pa nangyari yun?

hayaan mo ipapaliwanag ko…paginaasar ka ng mga kaibigan mo, paytunay lang yun na napapansin ka nila.  oo masama nga namang mangasar pero atleast napapansin ka. pano kung hindi ka nga inaasar hindi ka din naman pinapansin? hindi ba pagdarasal mo na sana kahit na asarin ako buong araw pansinin lang ako ng mga taong tinatawag kong kaibigan. kasi ako, mayroon nga akong mga tinatawag na kaibigan pero ni minsan hindi ko naramdamaan na kaibigan nila ako. kakausapin lang ako ng mga yun pag nagtatanong ng oras. tapos balik nanaman ako sa ghost-mode. see thru nanaman ako. parte nanaman ako ng pader. isa nanaman akong kaluluwa na lumulutang lutang sa ere.

Ang moral lesson ng aking kwento, be thankful for persons whom may not be good to you but surely, 100%, pag sinabi mong kaibigan mo siya, taas noong haharap yan at sasabihing "Yes, tawag mo ko?"