pagbabagong buhay
dati pag may gusto ako sinasabi ko…
pilit pinapaalam na siya ang mahal ko…
ginagawa ang lahat at kahit ano…
malaman lang niya na siyay iniibig ko…
minsan nagmumukha na akong sira…
sa aking paghabol at pagtatapat sa kanya…
pero hindi na pala ito maganda…
at naisip ko na wag ng ipilit pa…
lagi na lang kasing nagpapasikat…
nagpapapansin upang magkaroon ng pamagat…
pero mga ginawa koy hindi pa rin sapat…
dahil sa akin merong paring nakakaangat…
kaya ngayong may bago ng mahal…
sumusumpa na ako sa May Kapal…
hindi pipilitin kahit na mabagal…
sampu man aking maging karibal…
hahayaan na lamang ito na ganito…
hanggang kanyang nararamdam ay magbago…
ipararamdam na lang ang pagmamahal ko…
sa paraang naaayon sa iyo…
ang tangi ko na lang dalangin…
at sana ito ay dinggin…
bigyan ako ng lakas at magbago…
para sa taong pinakamamahal ko…
July 5th, 2006 at 4:10 am
ie… enteng.. more2 drama tlaga ang blog mo noh! hehehe… gudluck sayo!
July 5th, 2006 at 4:12 am
para sa kanya magbabago na ako…dahil sa kanya ngayon marunong na akong maghintay…ok lang sakin kahit hindi nya ako mahal…masaya na ako wag ko lang siyang masaktan…
July 5th, 2006 at 4:16 am
drama ba…sensya na ah..senti mode lang talaga ako…
July 5th, 2006 at 4:18 am
kwento dapat yan…nagkataon lang na nagra-rhyme yung dulo kaya ginanyan ko na lng…