hindi na mag-iisa
hindi ka na muli pang mag-iisa
pangako lagi mo akong kasama
pangakong nasa tabi mo lang sinta
hanggang sa paglutang ng umaga
hindi ka na muling luluha pa
ako ang magsisilbing pinagkukunan mo ng saya
sa bawat oras lagi kang pinapatawa
pangakong iyong malilimot lungkot at dusa
hindi ka na muling masasaktan
pagkat hindi ko ito mahahayaan
aking sinta akoy iyong kanlungan
sa mga problema ay iyong sandalan
lahat ay gagawin para lamang sa iyo
at umasa kang ako sa iyo ay hindi magbabago
hindi ka na luluha, masasaktan habang nasa tabi ko pangako
at higt sa lahat, hindi ka na mag-iisa mahal ko