Panalangin Ng Payak Na Payaso
ngayong gabi akoy nagdarasal
magisang nakatingin sa kalangitan
habang kinakausap ang Poong Maykapal
inaalam ang sagot sa mga katanungan
akoy hamak na payaso lamang
na nagbibigay sigla sa karamihan
pinapatawat inaaliw ang sino mang
nalulungkot at nakasimangot dyan
hindi ko alintana ang hirap at pagod
sakit ng kalooban ay itinatago
sa mga mata ng sabik na manonood
idinadaan na lang sa tawa at laro
ngunit sino ang makapagpapasaya sa akin
aaliwin ako hanggang problemay limutin
magaalis ng kirot sa aking dibdib
at lahat ng luha koy tatangalin
maraming tanong nanasa aking isip
meron bng payasong laan sa akin
kailang kaya siya darating
oh Panginoon sabihin sa akin. Amen.
February 20th, 2006 at 2:29 am
some people hide waht they really feel in their smile…
just like clowns…they may smile and laugh with you but do you really know what they feel…