Aray! Aray! Masakit!

akoy nakapaang naglalakad sa daan

nakangiti habang sumisipol na parang walang problema

tuwang tuwa sa aking nararamdaman

"Magandang umaga!" talaga naman

panalangin ko na wag na sanang matapos ang araw na ito

at wala sanang mangyaring isang masamang delubyo

ngunit hindi yata ako narinig

pagkat ang aking paay biglang natinik

"aray! aray! masakit!"

yan ang mga katagang pasigaw kong sinasambit

habang hawak hawak ang nagdurugong paa

umiiyak dala ng matinding hapdi

ngunit kahit akoy sigaw na ng sigaw

parang wala yata sa akiy nakakarinig

aking nilakasan ngunit wala pa rin

kahit isay walang lumapit sa akin

kung ako lang sanay nakatsinelas

at naglakad na uloy hindi nakataas

siguro ngayon ako ay hindi umiiyak

wala sana akong malalim na sugat

4 Responses to “Aray! Aray! Masakit!”

  1. V i N c E n T Says:

    the poem describes the pain of someone failed by love…

  2. 'maria danica' Says:

    Narito lamang ako

    Sa isang tabi naroon ka
    Tanaw kitang nag-iisa
    Malungko’t ka’t walang kibo
    Tila may gumugulo sa isipan mo

    Di ako sanay na makita kang ganyan
    Halos kalaro na ang kalungkutan
    Ano ang nasa likod ng katahimikan mo
    At ako’y nababagabag ng husto

    Sana sumagi sa isip mo
    Na narito lamang ako
    Di lamang sa kasiyahan makakasama mo
    Ngunit isang kaibigang dadamay sa’yo

    Kung ano man yang nararamdaman mo
    Sana isama mo naman ako
    Kahit di mo ko pansinin
    Kahit di mo ko kausapin

    Basta nasa tabi mo lang ako
    Kahit abutin pa ng umaga rito
    At pag pagod ka na sabihin mo
    Asahang sasaluhin ka ng balikat ko

  3. bEh - beH Says:

    bkit k kc ngpaa??? next tym kc mgslipper ka pra ndi u nsu2gtan… kya nga gnwa ung slipper to protect our feet!!! hay nku!!! next tym ha…. hehehehe

    teka, ndi nman mskit ung tinik ha??? liit2 nun… wahehehe…

    but seriously, d prob. is not ur barefoot but d way u walk!!! try 2 do it slowly… “slowly but surely!!!” do i m8k sense??? hehehehe… wat im trying 2 say is… try 2 build and strenghten first ur frndship w/ dat girl b4 u go 2d nxt level… atleast if tings didnt work out d way u wanted, “friendship” will hold u 2geder and kip u from fallin apart…. am i ryt???!!!

  4. V i N c E n T Says:

    to people who are wondering what the real deal behind this poem…

    sometimes people fall-in love so deeply and often times, so seriously that they become blind. blind to the different possibilities of what could happen if we dont look where were going. this is because of our belief that he/she is the ONE that it will be alright. and just when we thought nothing could go wring…you already bruised your self…its sad but this is a reality that is happening to us…

Leave a Reply