Seven Wonders Of The World

October 14th, 2007 by expsych14

     I was just to touched by this story na kahit antok na antok ako bigla akong nagising sa kurot na binigay nito sa aking puso…

     Ang kwento ay nagsimula sa isang klase sa social studies.  The teacher is dicussing about the different places that are popular around the world.  Syempre, just like any other conventional classes, nagsabi ang teacher na may quiz siya na ibibigay.  Umangal ang klase pero sabi ng teacher, "Wag kayong mag-alala, tayong lahat ang sasagot ng question." The class, in an instant, became cheerful.  So the teacher write the question on ythe board and the question is, "What are the seven wonders of the world?" All of the class answered, taj mahal of india, chichen itza in mexico, machu picchu in peru, the great wall of china, colleseum of italy, christ redeemer in brazil, and petra jordan. The teacher was so pleased with their answers that she almost didint noticed that one of her students ia having a hard time answering the quiz.  When the teacher noticed her, the teacher asked her whats the problem.  The student replied, "I cant complete my list because there are just too many."  The teacher said to the student, "One of your classmate is having trouble with the quiz can you help her?"  The students agreed to help her so the teacher said to the student, "Tell me what you’ve written and tell it to us so that we could help you."  Then the student said that the seven wonders of the world for her is:

1. to hear…

2. to speak…

3. to breath…

4. to touch…

5. to see…

6. to smell…

7. to feel…

     After hearing these, the class became so quiet that if you drop a pin on the floor it will echo over tha room.

     There are some things na minsan naooverlook natin.  Hindi namamalayan, hindi pinapansin, hindi iniisip, pero mahalaga.

     Hope this story touched you the same way it touched me.  If you can, you can copy this and spread the word.

     Be thankful not just for the big things, but also for the small things.

A Walk To Remember

May 20th, 2007 by expsych14

     Naranasan mo na bang mawalan ng isang napakaimportanteng bagay sa buhay mo? Tao na minamahal na nawala o nang-iwan ng hindi mo alam ang dahilan? Hindi ba masakit?  Pero hindi ba mas masakit kung alam mo ang dahilan kung bakit kailangan niyang mawala o mang-iwan?  Marahil sa sakit o kung ano pa mang kadahilanan.  And pagnangyari yun, minsan we feel na parnag wala tayong magawa.  We feel so helpless.  So weak.  Pero kung ikaw ang tatanungin, what would you do?  Kung magising ka isang araw and you found out na isang mahalagang tao sa buhay mo ay malapit nang mawala? For those na naranasan na ang bagay na ‘to marahil makakaya nilang sagutin ang tanong na yan. Pero ako, hindi ko pa naiisip ang bagay na yan until last night…

     There was a guy who never thought he’ll fall in-love with the girl na palagi niyang inaasar.  They were not the best of friends yet, they found love in each other.  Its not that easy for the guy.  For one good reason that his girlfriend is the pastor’s daughter.  ONLY daughter.  But still they have fun, enjoying each others company. 

     While watching the stars, the guy ask the girl to look for a particular star.  He pointed its location on what seems to be a map of stars.  Then the girl asked why must she look for it.  And the guy pulled out a certificate that certify that the star is named after the girl.  The girl was so happy. 

     Time pass by quickly.  Until one night, while walking, the guy noticed that the girl was distracted.  He asked if there’s a problem.  Then the girl cried.  Silently, the guy waited for the girl to talk.  Then the girl said the she’s dying.  She is ill.  She is on treatment but stopped responding to it 2 years ago.  The guy can’t believe what the girl told her.  He’s just standing on the road crying.  The girl was so sad the she run back to their home leaving the guy alone.  It took a few minutes before the guy decided to move.  He got in his car and started driving.  Then he drop by his fathers house to ask for help since his dad is a doctor.  Then he returned home.  The guy love the girl very much so he didn’t care if she is sick.  He brought flowers for the girl for so many days.  But the girl wont see him.  Then he said to the girls father that he wont leave her.  Then one day, the girl came to his house.  She said she was sorry for not seeing him.  The guy smiled and while crying he ask the girl "Are you afraid to die?" And the girl replied "I’m not afraid to die.  I’m afraid not to be with you."  Then the guy did everything for her.  He even asked her to marry him.  Then, a few days after they got married, she died.  The guy applied for college to take up medicine.  After four years, he returned to town where he and his wife met.  He visited his Father-in-law and talked to him.  He gave him a notebook which was given to him by his wife before she died.  He visited the park where the guy and the girl would spend most of their time together.  Then he said, "Our love is like the wind.  You can’t see it but you can feel it."

     I was so moved by the story that it made me realize how short and important life is.  That’s why while I’m still living, and the ones I love is still living.  I will do my best to love them and make them feel how important they are to me.   Hindi ko man alam kung ano ang gagawin ko pag nawala sila o malaman ko na mawawala sila, atleast naipakita ko kung gaano ko sila ka mahal and how blessed I am to have you in my life.  Life, they say, is a journey.  And its better to take that journey with people whom you love.  So when the time comes that the journey will end.  You can say to them, "The journey with you, is definitely, A WALK TO REMEMBER…" 

Ang Kwento Ng Payaso Tungkol Sa Damit at Sirang Butones

March 24th, 2007 by expsych14

    "Nagtatahi ako ng sirang butones ng costume ko ng bigla akong matusok ng maliit na karayom.  Sumigaw ako ng "aray" at hinawakan ang daliri na natusok ng karayom at mayamaya pa ay dumugo na ito.  Pinunasan ko ng tissue ang dugo pero tuloy pa rin ito sa paglabas sa sugat.  Kaya ginawa ko pinisil ko na lang at yun mayamaya pa ay tumigil na ang pagdurugo."

    Aminin man natin sa hindi, we want our lives to be perfect.  Para itong isang magandang damit.  Magandang damit ang lagi nating sinusuot to show how perfect our lives are. Masaya tayo na ipakita ito sa mga tao at sabihing, "bago yan!".  Pero minsan hindi mo maiwasan ang masira ang damit.  Natangal ang butones, nabutas, at minsan, namamatsahan.  Sira ang perfect life na gusto natin.  Minsan itinatago na lang ang damit na nasira kasi nahihiya tayo pero minsan inaayos.  Kaya naman todo kung magrepair tayo.  But as we try to fix things in our lives, hindi mo miwasan ang masaktan.  Matusok ng karayom habang nagtatahi o di kayay masugatan ang kamay kakakusot sa damit. 

     Now the question is, how do you deal with those changes in your life?  Maiinis ka ba pagnawala ang isang butones sa buhay mo?  Tatawanan mo ba ang butas sa kilikili ng damit?  Aawayin mo ba ang taong nakatapon sa damit mo ng pintura (hindi mo pa favorite color ang tinapon…hehehe!) na naging mitsa upang hindi na magamit ang damit?  Oh, ngingiti ka lang at sasabihing, "ok lang!"? Ano ang gagawin mo kung nawalan ka ng butones?  Napunitan ng damit?  Pagnagkaroon ng mantsa ang dating perpekto mong buhay?

     Ako kasi, bilang isang payaso, hindi maiwasan ang lapitin ng mga makukulit na bata.  At sa sobrang kulit, hindi din maiwasang mapunit ang costume na suot ko.  Tagpe-tagpi na nga mapupunit pa ulit? hehehe!  Kaya pag-uwi ko na bahay, hindi ako umuupo para manood ng tv.  Bukod sa remote ang hawak, karayom at sinulid ang hawak.  Sira nanaman ang butones ng costume ko.  Nagtatahi ako ng sirang butones ng costume ko ng bigla akong matusok ng maliit na karayom.  Sumigaw ako ng "aray" at hinawakan ang daliri na natusok ng karayom at mayamaya pa ay dumugo na ito.  Pinunasan ko ng tissue ang dugo pero tuloy pa rin ito sa paglabas sa sugat.  Kaya ginawa ko pinisil ko na lang at yun mayamaya pa ay tumigil na ang pagdurugo.  Pero ang sakit, hindi nawala.  Pero hindi ko pa tapos ayusin ang butones kaya tinuloy ko ang pagtatahi.  Pero this time, maingat na ko para hindi matusok ulit ng karayom.

     Minsan talaga its the small changes in our lives that hurts us the most.  Minsan akala nating simple lang ang sulusyon mahirap pala.  Parang pagtatahi, mukhang madali pero, pag hindi ka sanay, matutusok at matutusok ka ng karayom.  Minsan dudugo ang sugat at minsan hindi.  At pag dumugo, kailangan nakahanda lagi ang tissue para punasan at patigilin ang dugo.  At malamanglamang, hindi basta mawawala ang sakit na dulot ng sugat.  Ang ilan, itutuloy ang pag-ayos sa buhay nila.  Pero ang ilan, dahil sa sakit at sa takot na masaktan ulit, papabayaan na lang ang sirang damit oh di kaya’y ipapaayos sa iba.  Mahirap talaga pag nasisiraan ng damit.  Araw-araw mo ba namang gamit eh.  Hindi rin naman pwedeng walang suot na damit.  Kaya dapat hindi ka lang dapat marunong magsuot ng damit, marunong ka din dapat magtahi para sa mga punit na mararanasan sa buhay.  Maglaba para matangal ang mantsa.  At syempre first aid.  Para sa mga sugat na dulot ng paga-aayos ng damit.  Mahirap siya sa umpisa, kasi parang hindi mo alam ang gagawin.  Pero habang tumatagal, natututo tayo.  Kung dati lagi kang natutusok ng karayom, ngayon minsan na lang.  Alam na kasi nating masakit pagnatusok ka ng karayom.  Kaya payo ko sa inyo, dont aspire for a perfect life.  I-enjoy mo ang damit na suot mo.  Hayaan mo lang siyang mapunit o mamantsahan.  Marunong ka namang maglaba at magtahi.  Ang importante, inalagaan mo ang damit mo.  Masaya ka kahit hindi na siya bago.  At wag mo siyang huhubarin.  Hanggang sa dumating ang araw na hindi mo na siya maisuot.  Hindi na kasi siya kasya..hehehehe!

Bakit Bakit Paano Ka Ginawa?

January 31st, 2007 by expsych14

     "Bakit"  Iyan ang madalas na tanong ng mga tao.  At  ito rin ang tanong na tila ba ang sagot ay minsan walang katiyakan o di kaya ay hindi katanggap-tanggap o kapanipaniwala. Ito rin ang tanong na pinaka makulit sa lahat na pamilya ng tanong.  Kaya naman lagi na lang siyang natatanong, "Bakit, Bakit, paano ka ginawa?"  Bago ko ikwento ang pinagmulan ni BAKIT.  Alamin muna natin kung sinu-sino ba ang mahilig magtanong ng bakit?

  1. Ang mga bata, bata magisip, at bata pa daw na bidabidahan ang numero unong nagtatanong nito. Example: "Nay nay bakit may araw?"
  2. Ang mga taong nalaglag ata ng doctor, nurse, midwife, hilot, oh kung sino man ang nagpaanak sa kanyang kawawang nanay dahil kalahati lang ng utak nila ang gumagana. Example: "Pare bakit kaya?"
  3. Ang mga taong nagkukunwaring tanga pero sa totoong buhay ay hindi naman. Example: "Hon, bakit mo love?"
  4. Ang mga taong fixated ata ang ikaapat na klase ng tong ngatatanong ng bakit.  Ito ang mga taong walang alam itanong kundi bakit.  Example: "Bakit?"…"Eh bakit nga?"…"Bakit nga ehh?"

     So paano nga ba nabuo ang tanong na bakit.

     Noong unang panahon, ang tanging tanong lang na nabubuhay ay si ANO, KAILAN, SINO, at SAAN.  Matiwasay silang nabubuhay sa Bayan Matanong ng isang araw ay nagkasawaan na sila sa isat-isa.  Hindi nalaman ang dahilan sa likod ng kanilang pagsasawaan.  Pwedeng sa amoy, itsura, oh di kayay, ugali ng bawat isa pero yun ay pawang mga chismaks lamang at wla pang cenelyn na nagkokorek ng chuvanels na ititch.  Kaya naman naisipan ng tagapaglikha na magkaroon ng konting life sa Bayan Matanong.  Kaya gumawa siya ng bagong tanong.  At hulaan niyo kung sino.  Walang iba kung hindi si BAKIT.  Noong iniluwa si BAKIT ng lupa, si ANO, KAILAN, SINO at SAAN ay hindi mapigilan ang magtaka.  Kaya sambit ni ANO, "Ano yan?"  Tanong naman ni KAILAN, "Kailan pa siya napunta diyan?"  Habang si SINO, "Sino siya?"  At si SAAN, " Saan siya nagmula?" May malaking boses na para bang nagsasalita sa isang nakarolyong cartolina ang bigla na lang nagsalita.  "Yan si BAKIT.  Ang bago niyong kaibigan diyan sa Bayan Matanong."  Napangiti ang mga ito dahil may bago na silang makakausap.  Hindi nila alam ang sakit sa ulo na idudulot ng tanong na si BAKIT.

     May kakayahan si BAKIT na tanongin ang mga tanong na kayang gawin ng apat.  Kaya nga naman lahat sila ay hindi nahihirapang kausapin si BAKIT.  Ngunit isang araw, napaisip si BAKIT kung saan siya nanggaling.  Una niyang tinanong si ANO.  Sabi ni Bakit, "ANO, ano ba ako?"  Sumagot si ANO, "Ikaw ay isang tanong BAKIT."  at muling nagtanong si BAKIT, "Bakit ako isang tanong?"  Matagal na nagisip si ANO ngunit hindi niya masagot ang tanong ni BAKIT.  Hanggang si ANO ay dumugo ang ilong. Umalis si BAKIT ng hindi nasasagot ang tanong niya.  Sunod na tinanog ni BAKIT ay si KAILAN, "KAILAN, kailan ako naging isang tanong?"  Sumagot si KAILAN, "Noong araw na bumuka ang lupa."  Muling nagtanong si BAKIT, "Bakit bumuka ang lupa?"  Natigilan si KAILAN at nagisip ng kanyang isasagot haggang sa pumutok ang kanyang ear drum sa kakaisip ng sagot.  Muling umalis si BAKIT ng hindi nasasagot ang tanong niya.  Habang naglalakad, nakasalubong si SINO.  Tinanong ni BAKIT si SINO, "SINO, sino ang nagluwa sa akin sa lupa?"  Sinagot naman ni SINO ang tanong ni BAKIT, "Si tagapaglikha ang nagluwa sayo sa lupa BAKIT."  Hindi naman maiwasan ni BAKIT na hindi magtanong, "Bakit ako niluwa ni tagapaglikha sa lupa?"  Nanlaki ang mga mata ni SINO at nagisip ng isasagot kay BAKIT.  Ngunit bigo din si SINO tulad ng mga nauna sa kanya.  Inatake ng hypertension si SINO sa sobrang pressure sa tanong ni BAKIT.  Mangiyakngiyak na umuwi si BAKIT sa kanyang tahanan.  HAbang lumuluha sa labas ng bahiay niya si BAKIT ay tyempong napadaan si SAAN.  Napansin nio SAAN na parang malungkot at umiiyak si BAKIT.  Nilapitan niya ito ngunit bago pa siya makapagtanong ay biglang nagsalita si BAKIT, "SAAN, saan ba nakatira si tagapaglikha?"  Sumagot si SAAN, "Eh di sa may taas."  Habang nakaturo si SAAN sa langit.  BIglang sinira ni BAKIT ang pag-eemote ni SAAN at sabay hirit ng, "Bakit nasa taas si tagapaglikha?" Nagsalubong ang kilay ni SAAN sa kanyang narinig at kumaripas ng takbo.  Naiwan nanamang magisa si BAKIT.  At dahil sa walang makasagot ng tanong ni BAKIT, naging isolated na si BAKIT.  Madalang na lang siyang pinupuntahan ng dating mga kaibigan.  Naawa si tagapaglikha kay BAKIT at binigyan siya ng makakasama.  At doon nabuhay si KASI.  Nging masaya na ulit si BAKIT at pansamantalang nakalimutan ang mga katanungang dating nagpalugmok kay BAKIT.  Hindi nagtagal nagkaroon sila ng anak.  Kambal ang kanilang anak at pinangalanan nila itong EWAN KO at si MALAY KO.  Masaya silang nabuhay.  Ngunit jhindi lubos ang kanilang kaligayahan dahil iniiwasan na ang kanilang pamilya dahil sa sobrang hirap nilang kausapin.  Maliban na lamang kung nakapagaral sila sapaaralang itinayo ni KASI.  Itinuturo sa paaralan kung paano kakausapin sina BAKIT, EWAN KO, at MALAY KO.  Pero hindi pa rin bumalik ang ma dating kaibigan.  Lagi na silang iniiwasan ng mga tao pwera na lang kung nakapagaral ang kanilang makakasalubong.

 

Ang Nakakatawang Kwento Ni Payaso

December 19th, 2006 by expsych14

     Kanina habang nagbabasa ako ng mga mensahe sa akin ng aking mahal na si Nicnicgamit ang aking sinaunang mobile phone, hindi ko maiwasang hindi matawa kapag naaalala ko ang…

     Daanin na lang natin sa isang kwento para mas maengganyo kayong magbasa…

     Dati may isang lalaki na itago na lang natin sa pangalang BANSOY.  Si bansoy ay isang lalaki na kayumanggi ang balat, medyo may katangkaran, katamtaman ang katawan, at higit sa lahat ay isang lalaking in-love.  In-love?  Oo.  Si bansoy ay in-love. Siya ay in-love sa isang tao at itago na lang natin siya sa pangalang NENE.

     Si nene ay isang simpleng babae.  Mahaba ang buhok, balingkinitan ang katawan, palangiti, maganda, at ang taong pinaka-iibig ni bansoy.  Alam ito ni nene pero parang ayaw niya sa binatang bida natin.

     Hindi ko na ikukwento ang mga ditalye ng panililigaw ni bansoy kay nene.  Bagkos ang kwentong itoy sesentro lamang sa isang pangyayari sa kanyang panunuyo kay nene.

     Malapit na magkaibigan si nene at si bansoy.  Madalas din silang magkatxt.  Minsan habang katxt ni bansoy si nene ay natawag niya ang dalagitang "mahal".  Akala ni bansoy ay ok lang ito kay nene at tatanggapin ito na isang biro lamang.  Pero laking gulat niya ng magalit si nene sa kanyang reply at binantaan ng dalaga ang binata na pagtinawag pa siya ulit nito ng "mahal" ay hindi naniya ito papansinin kahit kailan.

     Lumipas ang panahon at ang panunuyo ni bansoy kay nene ay sa wakas nagbunga din.  Sinagot siya ni nene at simula nun ay tinawag niya na itong…ano ang hula niyo? Ano ulit? Tama kayo.  Tinawag niya na itong mahal.

     Kaya hindi ko maiwasang matawa pag naaalala ko ang kwento na to.  Pero kasabay ng tawa ay ang walang humpay na pagpapasalamat ko at ngayon ay minamahal ako ng taong sobra kong pinaka-iibig.

I LOVE YOU NICNIC!

I Will Never Leave You…Coz I LOVE YOU!!!

December 16th, 2006 by expsych14

I WILL NEVER LEAVE YOU
("GREEN ROSE" THEME SONG SOUNDTRACK)

Erik Santos

If you want to hear the music, just visit the site bellow:

www.tristancafe.com/music/flash/iwillneverleaveyou.html

You are safe here in my arms
Never fear i'll be beside you
Feel my love, touching your soul
Holding you close as i whisper to you

I will never leave you hold on tight
Promise to stay forever by your side
I will never leave you promise ill
Stay forever i will never leave you behind

Stay with me and you will see
I will be the one you've been dreaming
I won't hurt the heart that you've given me
And never be wounded in my arms i promise

I will never leave you hold on tight
Promise to stay forever by your side
And i will always love you promise ill
Stay forever i will never leave you behind

And every moment, every minute, every hour of my life
I intend to live my whole life with you
I will be your home and you will live the same forever in my arms
And we'll make it through

I will never leave you hold on tight
Promise to stay forever by your side
I will never leave you promise i
Stay forever i will never leave you behind

( hold on tight promise to stay forever by your side )
I'll be with you... whenever, whenever, whenever
( and i will never leave you promise i )
Promise i stay forever
I will never leave you behind

You are safe here in my arms
'coz i will never leave you
Leave you behind...

				

Halos Dalawang Linggo

December 16th, 2006 by expsych14

     Halos magdadalawang linggo na pero para sa akin parang kailan lang.  Halos magdadalawang linggo na pero malinaw pa din.  Halos dalawang linggo na pero napapatawa pa din pag aking iniisip.  Halos dalawang linggo na at wala pa ring pagbabago.  Halos dalawang linggo na nung sagutin mo ako pero para sa akin kahapon lang ito nangyari.  Halos dalawang linggo na nung mangyari ang lahat pero natatandaaan ko pa ang mga ditalye nung sabihin mong akoy mahal mo rin.  Halos dalawang linggo na pero natatawa pa rin ako kapag naiisip ko ang kwento ng pag-iibig natin.  Halos dalawang linggo na pero ang pagmamahal ko sayo ay mas lalo pang tumitindi.  Kaya naman akoy nagpapasalamat una sa Diyos, dahil inilagay ka niya sa aking daanan; at pangalawa sayo, sa pagtitiwala at pagmamahal na iyong binibigay at syempre sa pagtawid mo sa kabilang ibayo(you know what i mean).  Umasa ka na hindi kita bibiguin.  Ibibigay ko sayo ang lahat na nararapat sayo. 

     Ikaw ang buhay ko kaya naman wala akong pwedeng gawing pagkakamali dahil ayaw kong mawala ka.  Ikamamatay ko kapag nawala ka.  Nais kong magtagal pa ang ating pagsasama kaya naman ay lagi kong pinagdarasal sa Poong Maykapal na gabayan Niya tayo sa ating relasyon.  Mahal kita Maria Danica Y. Canalita ng buong puso at kaluluwa.  at katulad ng nasabi ko na sayo…walang ano mang bagay sa mudo ang makakapagpabago nunI LOVE YOU SO MUCH!  At sana magtagal pa tayo hindi lang ng halos dalawang linggo…

      

Crossing The Border

December 2nd, 2006 by expsych14

"The lines between FRIENDSHIP and LOVE are thin and FRIENDSHIP closes our eyes to LOVE"

     Nakakalungkot mang isipin pero ito ang katotohanan.  Kaya nga sinasabi nila na love is blind.  Kaya rin minsan marami ang na-iinlove ng hindi namamalayan.  Nakatawid na pala sila sa border between frienship and love hindi man lang nila nakita kung paano.  That’s why some of us are afraid to love lalo na kung friendship natin ang minamahal natin.  We dont know what will happen pagkatapos tumawid ng border.  Ayaw i-risk ang friendship dahil sayang.  Lalo pa na hindi natin namalayan na nasa kabilang side na tayo.  At sa sobrang anxiety na ating nararamdaman ay pilit nating ibinabalik ang relasyon natin sa kabilang side.  Kaya kahit ayaw nating gawin may nasasaktan tayo.

     So kung ganito ang kaso, what are we to do?  Wag niyong hayaan ang friendship niyo to blind you from love na natatakot kayong tumawid and risk your friendship.  And dont let love pull you to the other side so fast na gugustuhin niyong bumalik.  Remember that friendship is different from love.  They may have similarities but they both are in different level.  Kaya be mindful of those simillarities and differences of the two para hindi ka madapa, maconfuse, o matakot, papunta o pabalik man ng border. 

Ang Kwento Ng Isang Ganap Na Payaso

December 1st, 2006 by expsych14

     Masarap ang ganitong pakiramdam!  Sa haba ng panahon na akoy naging isang Payaso ay ngayon ko lang ulit ito naramdaman.  Noong una parang isang normal lang na pangyayari sa buhay ko pero habang tumatagal ay lalo itong tumitindi, gumagrabe, at lumalalim.  Aaminin ko, una natakot talaga ako.  Baka kasi hindi ko kayanin ang pangyayari but then again, natakot din akong baka hindi ko na maramdaman ang ganitong feeling.  Kaya eto ako ngayon, sinusugal ang lahat para sa aking nararamdaman.  Ayaw ko kasing may pagsisihan sa huli.  Kung baga sa showbiz, this is my big break para sumikat at makilala.  Ito na ang aking pagkakataon para patunayan ang aking husay.  Minsan lang kasi kung dumaan ang pagkakataong ito at kung palalagpasin lang ay mawawalan ng saysay.  Kaya habang akoy nakatayo sa gitna ng daan, nakangiti, aking paulit-ulit na sinasambit, "Isa na akong ganap na Payaso!"  Hindi na ako yung dating Payaso na pumasok sa nigosyog ito para lang makalayo sa problema ng mundo.  Hindi na ako yung Payasong nangangambang mabalewala sa eksena.  Kasi ngayon ang Payasong ito na ang bida.  Ang Payasong ito ay haharapin ang problema habang kahawak ang kamay ni Minamahal.  Ipagmamalaki ko na isa akong Payaso.  Isang Payaso na handang gawin ang lahat para lang sa Minamahal niya.  Simula na ito ng paglalakbay ni Payaso at ni Minamahal.  Simula ngayon, ang aking mga kwento’y hindi lang isa ang magsusulat kung hindi ay dalawang puso na nagsusulat gamit ang iisang kamay.  Hindi ko alam kung saan ang biyahe namin patungo pero wala na akong takot.  Saan man kami mapunta ni Minamahal ay  handa kong harapin ang lahat.  Masaya man o kalungkutan ang naghihintay sa amin sa dulo ng daan.  Ngayon ang tanging hiling na lang ay wag sanang maging maikli ang daan na aming binabagkas.  Ikamamatay ko kung matatapos lang agad.   

Ang Pangarap ng Isang Hamak na Payaso

November 23rd, 2006 by expsych14

     Isa lang naman ang pangarap ko sa buhay.  Isang simpleng pangarap na aking pinagdarasal na magkatotoo.  At yun ang mapasigla ang aking minamahal.  Ang makita ang ngiti sa kanyang mga labi.  Ang maging sanhi ng kanyang katuwaan.  Ang maging dahilan ng kanyang kasiyahan at maging tagapawi ng kanyang kalungkutan.

     Kaya sayo aking mahal ang dalangin koy walang hanggang kasiyahan.  Sanay ang mga matatamis mong ngiti sa iyong labi ay hindi magmaliw.  Hayaan mo sanang ikaw ay aking ibigin at sa iyong puso sana akoy iyong papasukin.  Hayaan mo akong alisin ang mga bumabagabag sa iyong kalooban at kahit sa munting paraan ko ikaw ay aking pasiyahin.  Hayaan mong sa bihin kong "Ikaw ang aking iniibig!"